F0ReVeR BlUe

aq si ms.gemini

ang pangalan ko ay jeany,mag tatatlumpung taon na sa darating na hunyo 12.ipinanganak sa syudad ng quezon city.kaya ako gemini diba,kasi hunyo 12 ang kaarawan ko.ako ay lumaki sa syudad ng quezon city,kasama ang aking ama,ina,ate,at kuya..at dahil sa ako ang bunso,lahat ng gustuhin ko ay nasusunod.yun marahil ang dahilan kaya matigas ang ulo ko..

ako ay nag elementarya sa probinsya ng capiz,pati hayskul dahil tagaron ang mama ko kaya dun kami pinauwi ng papa ko nung panahong nagaabroad pa sya.nagaral ako dun hanggang ikalawang taon ng hayskul at mula nung elementary ay nagkamit ng honor (anu ba sa tagalog nun).masaya ang magulang ko dahil sabi nila matalinong bata ako.nagtapos ng hayskul sa lungsod ng pasig..ako ay nagaral ng kolehiyo sa PHILIPPINE WOMENS UNIVERSITY at xmpre dahil ako ay matalino di sa pagmamayabang ako ay deans lister.lumipat ako ng paaralan nung pangatlong taon ng kolehiyo sa AMA COMPUTER UNIVERSITY kung saan ako ay natutong magbisyo...dun ko nakilala ang naging ama ng mga anak ko,si mc morris.sya naman ay nagaaral sa TECHNOLOGICAL INSTITUTE OF THE PHILS.

pagkatapos ng mahabang panahon ng pagsasama bilang magasawa at nagkaron ng 3 supling kami ay naghiwalay ng landas at sa ngayon kami sana ay mag sasyam na taon ng magasawa.halos dalawang taon na rin kaming magkahiwalay at hindi ko naman pinagsisisihan anuman ang aking naging desisyon..siguro may taong talagang nakatalaga para sa dalawang taong nag iibigan.

masasabi kong ako ay matiwasay na namumuhay sa ngayon kasama ng tatlong supling ko,at sa mga darating na panahon kung mamarapatin ay makakapag pakasal ako sa lalaking tinanggap ako sa kung anuman ang aking nakaraan.sana lang patuloy na gumanda ang aking kalusugan at napupuna kong malaki ang inilaki ng aking timbang..huh..sya tama na..abusado na masyado..

Page created: March 27th 2008 09:52 PM
 User


meowisha061278

 Navigation
Home Content
Profile Friends
Gallery Friends Of
Links Archives
Favorites
 Tagboard
your name:

url:

your message:

 My Links
 Pages
 Categories
FRA LIPPO LIPPI lyrics

Hinder Lips Of An Angel Lyrics

Nelly Furtado Lyrics
Maneater Lyrics